Friday, March 8, 2013

Kanto Freestyle Breakfast




Para sa una kong "review," itatampok ko ang Kanto Freestyle Breakfast sa Mandaluyong City.

Marami na rin ang nakapag-feature sa kainan na 'to -- sa blogs, dyaryo at TV shows.

Sa unang tingin para lang siyang ordinaryong karinderya sa tabi ng kalsada.

But no! Looks can be really deceiving sometimes!

Sila ang karinderyang nag-o-offer ng gourmet-style na presentation ng pagkain!

Kasama ko ang partner ko at isa kong housemate nang una kong mapuntahan ang lugar na 'to. Mabuti na lang at isang tricycle lang ito sa tinitirhan namin.

Honey Garlic Chicken (90 pesos)

Ang inorder ko ay Honey Garlic Chicken with one cup of rice at pesto tomato. Ang sabi sa menu, may kasama daw dapat na two eggs for that price pero sabi ni kuya, mas mahal daw kapag may egg so baka hindi na ganun ka-updated ang menu nila.

Para siyang chicken ng BonChon at Manang's na crunchy pa rin ang balat kahit na saucy siya. Pero parang mas nagustuhan ko pa nga 'to dahil hindi katulad ng sa BonChon at Manang's, juicy pa rin at may lasa ang laman nitong order ko.

At panalo yung pesto tomato nila. Gourmet na gourmet lang ang dating. :P

Batangas Beef Tapa (90 pesos)

Batangas Beef Tapa naman ang inorder ng partner ko. Kakagaling niya lang sa Batangas nang pumunta kami rito kaya mukhang high pa siya sa Batangas tapa. Hindi ko alam kung ano ba ang kinaibahan ng Batangas tapa sa ibang klaseng tapa pero ang version ng Kanto Freestyle, malambot at hindi tuyot. Hindi ka mahihirapan kagatin ang karne.

At syempre may kasama din 'tong pesto tomato! Panalo!

Kanto Eggs Benedict (90 pesos)

Ang unang inorder ng housemate namin ay itong version nila ng Eggs Benedict. O diba, kung sa ibang restaurant ka kakain nito, malamang around 200 pesos ang halaga niyan.

Sulit na sulit naman 'tong order niya dahil may kasama pang potato wedges. At nakikita niyo ba yang hollandace sauce na umaapaw sa dami? Nang tinikman ko 'to, masarap naman at tama lang ang pagkakaluto ng itlog. Yung ham na ginamit nila ay yung typical na cooked ham na mabibili sa supermarket.

Hindi na masama sa halagang 90 pesos.

Tuyo and Kesong Puti (90 pesos)

At dahil hindi pa nabusog si housemate sa una niyang order, ito naman ang nilantakan niya. Hindi ko na 'to natikman pero sabi niya, masarap naman daw ang lasa kaso medyo konti ang serving ng tuyo.


All in all, sulit naman ang pagbisita namin dito. Mura lang lahat ng pagkain at masarap naman ang mga napili namin ng kumain kami rito.

MENU:



KANTO FREE BREAKFAST
549 San Joaquin St., Mandaluyong City
(02) 400-2268
OPEN 24/7






WELCOME!

Ito ang blog para sa mga foodie na wala masyadong money!

Matakaw akong tao at madali akong maengganyo ng mga bagong pagkain at kainan sa tabi-tabi kaya naisipan kong gumawa ng blog na para sa mga tulad kong mahilig kumain pero hindi mahilig gumastos.

Nawa'y mag-enjoy kayo!